Jobless ka ba KABAYAN? try mo pagisipan eto.
Nang magsimula akong magplano pumunta sa Dubai, pinag isipan ko maigi ano ba ang magiging bala ko sa Dubai. Papaano ako maha hire ng mabilis, at papaano ako makaka survive sa pang araw araw na buhay.
- Pera = yan ang una ko hinanda bukod sa sarili ko.. Kase need ko ng pamasahe at pambayad sa renta at least iyong aabot pang 3months ang pondo ko. Since andito na kayo sa Dubai di ko na i elaborate masyado.
- Knowledge = kasabihan na knowledge is power. kung walang Knowledge walang power. Baduy ba pakinggan? Magisip-isip ka muna KABAYAN, dahil may katotoohanan yan. Pangalawa kong inisip ano ba ang gagawin ko sa Dubai kung sakali mang makarating ako doon. Since me konti akong alam sa Graphic designing at AutoCad, dun ako mas nagfocus. Sa totoo lang Corel Draw lang talaga ang tinapos ko sa AMA, then nagenroll ako sa Microcadd ng ACAD at 3dsMax. Kung saan nagamit ko ang certificate ko na pina ribbon ko at pina-authenticate ko. So suma-total meron na akong karagdagang kaalaman sa (BALA) sa colloquial na termino.
- Tiwala = Higit sa lahat mauuna dapat ang Tiwala sa Dios, at tiwala na kaya mo pang i-improve ang sarili mo. at eto ang layon ng site na ito.
Tips: Ugaling bumisita ng regular sa blog site na eto. Dito ipapakita ko ang iba't ibang paraan na pwede nating magamit sa pag-aaply sa Dubai, especially sa mga computer knowledge person. Pilitin ko din include ang mga Admin jobs or office jobs like using Excel, Ms Word, etc. at open ang Blog site natin na ito kung meron kayong gustong ibahagi just email me or post sa comment ang mga suggestion nyo o mga gustong matutunan. Sama-sama tayong mag-aral! Just say TutorializeME :D have a nice and blessed day sa lahat! cheers!